COVID-19 Update: Booster shots, "the older you are, the more benefit you get"

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 8 Marso 2022.

Mwanamke aonesha fahari yake yakupata chanjo ya UVIKO-19

Mwanamke aonesha fahari yake yakupata chanjo ya UVIKO-19 Source: Getty Images / Digital Vision / Luis Alvarez

  • Nanawagan si Professor Peter Collignon ng Australian National University na baguhin ang impormasyon na ipinapakalat kaugnay sa booster shots. Aniya, mas malaki ang benepisyo ng booster shots, habang tumatanda. Dagdag pa nito, dapat kapareho lang ang antas ng booster shot sa una at pangalawang dose, para sa mga may edad 50 pataas.
  • Ayon naman kay Punong Ministro Scott Morrison sa kanyang talumpati sa Australian Financial Review Business Summit, hindi pa din tayo makakawala sa banta ng COVID, ngunit hindi tayo umano dapat magpatalo dito. 
  • Sa darating na Byernes, Marso 11 tatalalakayin ng mga estado at teritoryo ang paghahanda sa taglamig. Nangangamba umano ang mga opisyal sa maaaring pagsipa ulit ng mga kaso ng COVID-19 kasabay ng flu.  
  • Nakipagkita si Queen Elizabeth II kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau. Ito umano ang unang public appearance nito matapos magpositibo sa COVID-19 noong Pebrero 20. 
  • Napag-alaman sa pinakabagong pag-aaral ng University of Oxford na nailathala sa Nature Magazine, na may malaking epekto ang COVID-19 sa utak ng tao at nagdulot umano ang sakit ng pagliit ng utak at pagkawala ng brain tissue. 
  • Maaaring maapektuhan ang ilang ruta ng Transperthbus routes, matapos magpositibo sa virus ang ilang driver at matukoy na close contact. Walang kanseladong ruta, pero mas kakaunti lang ang babyahe na bus. 
Alamin ang karagadagang impormasyon tungkol sa 



Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic

            

           



 I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT 

             

        



 Alamin ang , pati mga bagong restriksyon sa buong Australia 

Kung kailangan mo ng tulong pinansyal, 

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa 



Bisitahin ang para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.


Share
Published 8 March 2022 3:04pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand