Asawa ng nawawalang Pinoy na tripulante sa barko ng Rio Tinto, nanawagan ng hustisya

Aguaviva profile.jpg

Wife of a missing Pinoy seaman from a Rio Tinto ship demands justice. [L-R] (first photo) Gel Aguaviva, (second photo) wife Necie May, daughters and deck fitter Gel Aguaviva. Credit: Necie May Aguaviva

Inamin ng asawang si Necie May minsan nakwento ng asawang si Gel Aguaviva posibleng may naiinggit sa kanya sa loob ng barko dahil sa palaging pinupuri ng kapitan ang kanyang trabaho.


Key Points
  • Naghihinagpis ngayon ang asawang si Necie May Aguaviva sa pagkawala ng asawang si Gel na isang tripulante ng barko ng Rio Tinto, huli nitong nakausap noong ika-25 ng Disyembre 2024 ng hapon. Ngunit kinabuhasan ng umaga ika-26 ng Disyembre iniulat na missing ang deck fitter na si Gel, habang binabaybay ang Sulu Sea.
  • Ayon sa asawang si Necie May walang nabangggit na kaaway ang nawawalang tripulante, ngunit minsay nagbahagi ito na posibleng may naiinggit sa kanya dahil sa palagi itong pinupuri ng kapitan dahil sa maayos nitong trabaho, kaya gustong paimbestigahan ng pamilya ang lahat ng crew na sakay ng barko para mabigyan ng hustisya ang kanyang asawa. Inaasahang bababa sana ito sa barko sa Mayo 2025 para makapag-attend sa graduation ng anak sa grade 10 at makapiling ang tatlong taong gulang nitong bunso.
  • Sa pahayag ng Philippine Coast Guard nakikipagtulungan sila sa Rio Tinto,para sa paghahanap sa tripulante, habang ginagawa ang imbestigasyon sa barko sa Australia. Si Gel Aguaviva ay tubong Kolambugan, Lanao de Norte.






Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand