KEY POINTS
- Binahagi ng project coordinator, direktor, at manunulat na si Roselle Tenefrancia, kasama ang project director at musical director ng TunogLokal QLD na si Nicky Carl Anacin, ang kanilang mga pananaw at karanasan mula sa mga unang yugto ng proyekto.
- Ang musical ay bumubuhay sa mga totoo at personal na kwento ng mga saya at hirap ng pamumuhay sa ibang bansa ng mga Pilipino.
- Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtrabaho sa ibang bansa simula Abril hanggang Setyembre 2023 ay tinatayang nasa 2.16 million. May-pag-angat ng 9.8% mula sa nakaraang taon na 1.96 million.
Tampok ng Tugtugan at Kwentuhan ang kwento ng mga Pilipino na gumagawa ng sariling marka sa musika at sining.
PAKINGGAN ANG PODCAST

Balikbayan Blues, The Musical: Mga totoong kwento ng migrasyon, pag-ibig at pagkakaibigan
SBS Filipino
21/09/202434:23