Paano hinarap ng isang stylist ang mga hamon ng pagiging colourblind sa industriya ng fashion sa Australia

Carlos 1.png

Carlos Mangubat's journey from a small town in the Philippines to the global fashion stage is a testament to his resilience, creativity, and passion.

Bilang isang Pilipino sa industriya ng fashion sa Australia, lubos na ipinagmamalaki ni Carlos Mangubat ang irepresenta ang kanyang kultura. Gayunpaman, hindi madali ang kanyang paglalakbay patungo sa taas. Siya ay colourblind, isang kondisyong namana na maaaring maging hadlang sa kanyang karera kung saan mahalaga ang kulay.


KEY POINTS
  • Ang kanyang kakaibang gawain ay madalas makikita sa mga kilalang fashion magazine tulad ng Vogue, Harper's Bazaar, Elle, Marie Claire, Schon, Nylon, at GQ. Kamakailan lamang, siya rin ay naging isang mahalagang contributor ng Vogue Philippines.
  • Ipinagmamalaki ni Carlos na maging Pilipino sa isang industriya kung saan ay malimit ang mga Pilipino.
  • Siya ay red at green colourblind, isang hereditaryong kondisyon na maaaring maging hadlang sa kanyang karera kung saan ang kulay ay napakahalaga.
Si Carlos Mangubat ay kasalukuyang tinatahak ang masigasig na industriya ng fashion sa Australia. Siya ay kasalukuyang nakabase sa Melbourne kung saan nakilala siya dahil sa kanyang editorial, runway, advertising, at celebrity styling.

Ang kanyang kakaibang gawain ay madalas makikita sa mga pahina ng mga pangunahing fashion magazine tulad ng Vogue, Harper's Bazaar, Elle, Marie Claire, Schon, Nylon, at GQ. Kamakailan lamang, siya rin ay naging isang mahalagang contributor sa Vogue Philippines.
Vogue Philippines
Vogue Philippines styled by Carlos Mangubat assisted by Sophie
Sa kanyang 15 taon sa karera, nakatrabaho ni Carlos ang mga kilalang tatak na tulad ng Hugo Boss AU, Tommy Hilfiger AU, Harrolds, Matchesfashion.com, Philip Treacy, at kilalang artista na si Sarah Snook.
Melbourne Fashion Festival
Melbourne Fashion Festival, runway styled by Carlos Mangubat ( Lucas Dawson Photography)
Ang kanyang paglalakbay patungo sa taas ay hindi nagdaan nang walang mga hamon. Siya ay colourblind sa pula at berde, isang kondisyong hereditary na maaring maging hadlang sa kanyang karera sa larangan kung saan ang kulay ay napakahalaga. Gayunpaman, binago ni Carlos ang potensyal na hadlang na ito patungo sa kakaibang lakas. Sa tulong ng mga kaibigan at assistants, at sa lohikal na pagtutok sa kanyang trabaho, nagtagumpay siya sa paglikha ng mga visually stunning at commercially appealing na mga larawan patunay na hindi hadlang ang anumang kahinaan tungo sa tagumpay kung gugustuhin.
Carlos Mangubat
Carlos Mangubat is the special guest at the Australian Style Institute event.
Tampok ng Tugtugan at Kwentuhan ang kwento ng mga Pilino na gumagawa ng sariling marka sa industriya ng musika at sining.
PAKINGGAN ANG PODCAST
STYLIST CARLOS MANGUBAT image

Paano hinarap ng isang stylist ang mga hamon ng pagiging colourblind sa industriya ng fashion sa Australia

SBS Filipino

11/07/202437:26

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand