Pakinggan ang audio
LISTEN TO

Do we tip in Australia?
SBS Filipino
21/07/202208:39
Ang tip ay regalo na pera bilang pabuya sa mga empleyado o manggagawa na naghatid ng maayos na serbisyo. Ibinibigay sa pamamagitan ng cash, credit o debit card o kahit anong cashless payment system.
Sa Australia marami ang nalilito, ang iba pa ay nagtatalo kapag pagbibigay ng tip o pabuya ang pag-uusapan.
Highlights
- Ang pagbibigay ng tip ay boluntaryo sa Australia
- Karamihan sa mga binibigyan ng tip ay silang mga manggagawa sa hospitality na sektor
- Ang katanggap-tanggap na tip dahil sa maaayos na serbisyo ay 10 porsyento sa iyong bayarin
Ayon kay Bill Dee mula Australian Competition and Consumer Commission, nagsimul ang pagkalito ng mga Australians base sa nasubaybayang paraan ng pagbibigay ng tip sa ibang bansa.
“Ang pagbigay ng tip ay talagang isyu sa kultura. Halimbwa sa US ang pagbibigay ng tip ay mandatory. Karamihan sa mga lugar na iyong pupuntahan gaya restorant may batas sila na tinatawag na gratuity o pabuya.
Kapag sasakay ka ng taxi inaasahan na magbigay ka ng tip. Habang sa Australia, iba ang kultura, dahil ang pagbibigay ng tip ay boluntaryo."