Key Points
- Ayon sa Department of Education, umaabot na sa mahigit 704,000 ang bilang ng mga student visa holders sa Australia, kung saan pang-apat ang Pilipinas sa mga bansang may pinakaraming pinagmulan ng mga international studens.
- Dahil maraming international students ang apektado ng mga pagbabago sa visa rules, nagsagawa ng protesta ang ilan sa mga grupo ng mga student visa holders at organisasyon sa iba’t ibang estado upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa ilang mga hakbang na nagsimula nang ipatupad ng Department of Home of Affairs.
- Hinihikayat ng mga nagrally sa mga kapwa Filipino at iba pang mga international students sa Australia na apektado sa mga patakarang ito na gamitin ang kanilang karapatan at kalayaang ihayag ang kanilang saloobin ng walang takot at pangamba.