Ilang Pilipino sa Cairns, stranded sa kanilang tahanan dahil sa baha

Flooded road at Trinity Beach in Cairns

Flooded road at Trinity Beach in Cairns

Nakataas pa rin ang mga flood warning sa maraming bayan sa Far North Queensland. Isang kababayan mula sa Trinity Beach ang nagbahagi ng kanilang karanasan at kasalukuyang sitwasyon.


Key Points
  • Isang linggo nang hindi makapasok sa trabaho si Conrad Cruz at iba pang mga residente sa Trinity Beach sa Cairns dahil sa matinding baha at pagsasara ng mga kalsada.
  • Pinangangambahan ng ilang residente ang supply ng pagkain at tubig sakaling hindi pa makapasok ang tulong sa mga apektadong lugar.
  • Magbibigay ang pamahalaan ng ayudang pinansyal sa mga residenteng apektado ng baha.
Lubog sa baha ang malaking bahagi ng Cairns sa Queensland kasunod ng pananalasa ng Cyclone Jasper.

Pahirapan ang pagrescue sa mga residente ng Wujal Wujal sa Far North Queensland dahil sa taas ng tubig.

Malaki ang pasasalamat ng Assistant Nurse na si Conrad Cruz dahil hindi inabot ng tubig baha ang kanilang bahay sa Trinity Beach sa Cairns. Pero stranded ang kanyang pamilya at iba pang residente sa lugar dahil sa mga lumubog at hindi madaanang kalsada.

Isang linggo na syang hindi makapasok sa trabaho sa ospital ganun din ang kanyang asawa na nagtatrabaho naman sa isang childcare centre.

Sa panayam ni TJ Correa, ibinahagi ni Conrad ang naging sitwasyon sa kanilang kinaroroonan.

"Around the area paglabas sa street, yun ang pinaka binaha. Mula Wednesday hindi na ako nakapasok at nitong Saturday, sa aftermath ng bagyo, stucked na kami dito kasi yung Trinity Beach road flooded na rin and then yung sa Blue waters nagsend na ng warning na nag overflow na, " kwento ni Conrad.

Anim na taon nan sa Cairns ang kanilang pamilya. At isa ito sa pinaka malalang pagbaha na kanyang naranasan.

Dahil may mga natanggap na babala tungkol sa Cyclone, maaga namang naiprepara ni Conrad ag kanilang mga gamit. Inihanda rin nya ang buong pamilya sakaling kailanganing lumikas.

Bagaman hindi gaanong naapektuhan ang kanilang tahanan, naging pangamba niya at iba pang mga residente ang supply ng mga pangunahing kailangan tulad ng tubig at pagkain.
Matindi ang panic buying ng mga tao, walang laman ang mga shelf. Dalawang grocery store ang pinuntahan namin at ang pila ng mga tao hanggang labas.
"Ang another major issue pa ay the amount ng treated water ay parang na-ooverwhelm na. Two days ago may warning na sa amin to conserve water."

Bahagyang humina ang ulan sa rehiyon at bumaba na ang tubig sa ilang lugar. Muli na ring nabuksan ang Cairns Airport pero nananatili ang mga flood warnings sa maraming bayan.

Inanunsyo rin ni Queensland Premier Steven Miles na gumagana ang water treatment plant sa lugar na maaring magsupply ng malinis na tubig sa sentro ng Cairns.

Samanatala Inanunsyo ng pamahalaan na makakatanggap ng ayudang pinansyal ang mga binahang taga Queensland particular ang mga taga Cairns, the Cassowary Coast,  Cook, Douglas, Hope Vale, Mareeba, Tablelands, Wujal Wujal, and Yarrabah.

Mabibigyan ng $1000 per adult at $400 sa bawal anak o 13 weeks ng income support ang mga residente depende sa naging epekto ng baha sa kanilang pamumuhay.

Binuksan ang aplikasyon ngayong araw, ika 20 ng Disyembre.

Nakatakda namang bumisita si Prime Minister Anthony Albanese sa mga apektadong lugar sa Huwebes. Binigyan diin nito ang halaga ng suporta sa mga biktima ng kalamidad lalo na sa mental health.

"After the floodwaters have receded, and after some of the physical aspect of damage has gone, some of the scars will remain as well. So, we need to, as governments, but also as a community, be very conscious about mental health issues about the trauma that people have suffered from during this difficult time."

Sinasabing ito na ang isa sa pinaka malalang pagbaha na naranasan ng rehiyon sa nagdaang siglo na nakaapekto sa daan-daang kabahayan, negosyo at imprastukra.

Pero umaasa si Conrad at iba pang mga residente sa pagbuti ng panahon para bukod sa muli nang makakabalik sa trabaho at tahanan ay mas mabilis nang makarating ang tulong sa mga komunidad na pinalubog ng baha.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand