Key Points
- Nais ng Filipino Chaplaincy sa Melbourne na maipagpatuloy ang mga tradisyon at ritwal tuwing Kwaresma.
- Ang mga ritwal at tradisyon tulad ng 'pabasa' ay paraan ng pagbasa ng kasaysayan ng simbahan.
- Ang pag-aayuno sa panahon ng kwaresma ay di lamang sa pagkain kung di sa mga gawain o mga maka mundong bagay-bagay.
Ngayong darating na Semana Santa maraming mga kaganapan at tradisyon ang isasagawa sa Melbourne at kalapit lugar. Sisimulan ito ng Via Crucis o Stations of the Cross sa ika 16 ng Marso.
Ibinahagi ni Fr Litoy Asis ang ng mga kaganapan at ang kahalahgan nito sa buhay ng bawat tao.
'Maganda yung ideya ng ating mga kapatid na Muslim sa panahon ng Ramadan, ang pag aayuno ay di lamang sa di pagkain kung di pag iwas sa mga maka-mundong gawain. Sa ating mga Katoliko ang katumbas ng Ramadan ay ang panahon ng Kwaresma, 40 araw ito. Mag-fast ka sa pananalita ng masasama, mag fast ka sa paninira ng kapwa.' Fr Lito Asis, Filipino Chaplaincy of Melbourne.
LISTEN TO

Kahulugan ng Ramadan sa buhay ng Pilipinang lumaki napalibutan ng mga Katoliko.
SBS Filipino
08/03/202409:59