Key Points
- Ang Perth ang kabisera ng Western Australia.
- Maraming Pilipino ang nagtratrabaho sa sektor ng kalusugan (ABS 2021)
- Kilala ang Western Australia sa industriya ng mina.
Bawat isa sa atin ay may sariling kwento, kwento ng pagsiismulang muli, ng hamon, kabiguan at tagumpay. Kwento may halong pananalig, pag-asa at bayanihan. Ito ang mga mga natatanging kwento ng mga Pinoy sa Australya.
'Noong una kami naimbitahan sa salo-salo sa Perth, ang sabi bring a plate. Dumating kaming buong pamilya na mag tig-isang plato. Nahiya kami noong nalaman namin na pot luck pala ang ibig sabihin ng bring a plate' - Ethel Jane Ramos, nag migrate ang pamilya sa Western Australia noong 1987
'Ang gusto ko dito sa Perth lahat malapit, walang traffic, walang toll. Simpleng buhay at mahalaga ang work-life balance.' Jeneffer Mabale, nagmigrate sa Perth noong 2005
LISTEN TO

PhilTimes’ George Gregorio on new beginnings, maxing seven credit cards and serving the community
SBS Filipino
09/02/202417:26