Key Points
- Mula sa mga lolo't lola hanggang sa mga apo, nanatili ang musika ng Apo Hiking Society.
- Isa ang Apo Hiking Society sa itinuturing na haligi ng musikang Pilipino.
- Ipinagdiwang ng grupo ang kanilang ika-50 taon sa industriya ng musika nitong 2023.
LISTEN TO THE PODCAST

Apo Hiking Society: 50 years of music and beyond
21:02
Musika ng iba't ibang hererasyon
"Makita ang iba't ibang henerasyon, minsan sa isang concert namin makikita mo ang mga lolo, lola, nanay at tatay at mga anak na magkakasamang manood," natutuwang pagbahagi ni Jim Paredes isa sa trio ng Apo Hiking Society.
Patunay ito na ang musika ng grupo ay maraming henerasyon ang tinawid at patuloy na tumatangkilik.
"Syempre natutuwa kami kasi 'yun naman talaga ang balak namin noong ginagawa namin yung mga kanta," dugtong ni Boboy Garrovillo.
"Nakakatuwa na mga maging mga millenials, mga Gen Z, kinakanta pa rin ang mga kanta namin," ani ni Boboy.
Sa mahigit 50 taon ng Apo, maraming henerasyon na ang dumaan na patuloy sa pagkanta ng kanilang mga awitin.
"The music spans so many years, na kung maalala mo yung mga first love mo, barkada mo, parents mo," dagdag ni Jim.

Danny Javier, Jim Paredes and Boboy Garrovillo Credit: Apo Hiking Society (Instagram)
'Apo'
Mula sa pangalan na kanilang pagiging isang highschool band noong 1969 at sa pangalan ng isang kilalang bayani ng Pilipinas, unang nakilala ang 'Apo' sa tawag na Apolinario Mabini Hiking Society.
"Since galing kami sa Ateneo De Manila High School, AMHS, naghanap kami ng pangalan na may initials na ganoon," kwento ni Jim Paredes, isa sa trio.
Sa kabuuan 12 miyembro ang dumaan sa grupo noong sila'y highschool kasama sina Jim Paredes at Boboy Garrovillo, at huling nadagdag si Danny Javier noong sila'y nag-kolehiyo na.
Kinaulanan naging Apo Hiking Society ang pangalan ng grupo na kanilang pinanatili hanggang sa ngayon.