Key Points
- Magaganap ang Filipino-Australian Australia Day 2024 sa darating na ika-26 ng Enero.
- Pinganuhan ng Filipino Community Council of Victoria Inc. o FCCVi ang pag-organisa ng pagdiriwang.
- Bukas ang event sa lahat at may magaganap na mala-pista, parangal at samu’t saring pagtatanghal na tampo ang kulturang Pinoy.
Taun-taon ay isinasagawa ang Filipino-Australian Australia Day ng komunidad ng Pilipino sa Victoria.
Sa panayam ng SBS Filipino kay Roxanne Sarthou, ang General Manager ng Filipino Community Council of Victoria Inc. o FCCVI, inilarawan nito ang taunang pagtitipon bilang pababahagi ng kulturang Pinoy sa iba’t ibang multikultural na komunidad sa Australia.
“Ito ay pagkakataon na magkasama sama, magkita kita at masaya ang mga Pilipino,” saad ni Sarthou.

Filipino Community Council of Victoria Inc. General Manager Roxanne Sarthou Credit: Filipino Community Council of Victoria Inc
Ngayong 2024, mapupuno ang Filipino-Australian Australia Day ng mga tradisyong Pinoy mula sa pagkain, musika, at pagtatanghal mula sa iba’t ibang grupo.
Magaganap ang pagdiriwang sa Filipino Hub U10 463A Somerville Road, Brooklyn 3012 Vic, magsisimula 09:00 ng umaga.