Plant mum naka-kolekta ng mahigit 300 succulents sa gitna ng lockdown

Em Tanag collects different more than 300 succulents

Ms Tanag collects different more than 300 succulents Source: Em Tanag

Marami ang bumabalin sa pagtatanim sa panahon ng pandemya. Tulad ng plant mum na ito na may mahigit 300 succulents sa kanyang hardin.


Highlights
  • May mahigit 300 succulents si Em Tanag sa kanyang hardin
  • Ang pagkolekta at pag-alaga ng mga Tania ay nakatulong sa kanyang mental na kalusugan
  • Maraming tao ngayon ang nagtatanim simula ng pandemya dahil mas may oras sila
Dati pa lamang ay mahilig na sa halaman si Em Tanag ngunit hindi nabubuhay ang mga tanim sa kanyang pangangalaga.

"Actually since before I love plants but lahat ng tanim na binibili ko at tinatanim laging namamatay. One time may isang client ako na nagbigay sa akin ng succulent and for some reason nabubuhay siya."

"I started collecting around September last year pero nang mag-lockdown nitong March as in sobrang dami kong na-iadd sa aking collection kasi kailangan natin ng outlet so naisipan kong bumili ng mas maraming halaman para makapag-relax ako."

Aniya aabot sa $10,000 ang gastos niyang puhunan at binibiro pa siya na kanyang asawa na mas marami pa siyang oras sa kanyang mga halaman kaysa sa kanya.

"Kung pewde nga lang pagkagising mo pupunta kana sa garden titingnan mo na sila. Kaya nga minsan sinasabi ng asawa ko mas marami ka pang time diyan sa mga succulent mo ah," patawa niyang sinabi.

 

 

PAKINGGAN/BASAHIN



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand