Panibagong pagkakataon para magmahal na muli

Valentine's Day

Katie (in yellow dress) and musician Oliver Gadista (right photo, in suit) find second opportunity to love and be loved. Source: Supplied

Masuwerte silang nabigyan ng ikalawang pagkakataon na muling magmahal at mahalin. Sa Australia, isang-katatlo ng mga kasal ay pangalawang beses ng pagpapakasal.


Highlights
  • Ang pagmamahal ay give and take' na relasyon.
  • Kapag nabigyan ng pagkakataong magmahal muli, tanggapin anupaman ang nakaraan ng iyong kapareha.
  • Ayon sa datos, isang-katatlo ng mga kasal sa Australia ay pangalawang kasal.
Pasasalamat ang namumutawi sa bibig ng mga taong minsa'y nabigo sa pag-ibig at nabigyan ng tsansa na magmahal muli. Ibinahagi ng musikero na si Oliver Gadista at dating guro na si Katie Ladia ang kani-kanilang kwento ng pagkadapa at pagbangon sa pag-ibig.

Pakinggan ang podcast dito:
LISTEN TO
Second chance at love: After failed relationships, they finally found each other  image

Panibagong pagkakataon para magmahal na muli

SBS Filipino

13/02/202221:12


 

'Love is sweeter the second time around'

Hindi inaasahan ng musician, singer at producer na si Oliver Gadista na muling makakatagpo ng taong mamahalin at kanyang papakasalan.

“Hindi ko ini-expect na I'll meet someone who is loving, family oriented , smart, beautiful so I guess I'm really lucky,” pahayag ng Oliver.

Sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala ni Oliver ang kanyang misis ngayon na si Sylvia.

“I met my wife Sylvia sa Boracay in 2013. I just split up with my long term relationship then and you got hurt and I feel like I don’t want to be with anyone anymore like seriously."

Pero tila itinadhana ang dalawa. Apat na taon silang LDR (long distance relationship) at ikinasal ang dalawa noong 2018.

“Dumating siya rito (sa Sydney) February 2018, tapos June kinasal kami same year so we were suppose to get married the year after before, but I had some health issues so delayed, kaya siya nalang pumunta dito and the rest is history."
Valentine's Day
Musician Oliver Gadista grabbed the opportunity to love the third time around; he found the love of his life, Sylvia, when he least expected it. Source: Supplied by Oliver Gadista
24-anyos lamang si Oliver nang una itong umibig at magpakasal, pero matapos ang 15 taon, nagkasundo si Oliver at dati nitong asawa na maghiwalay.

“Pareho kaming na-out of love. We still care for our child pero wala na talagang spark kaya we amicably separated,” saad niya.

Matapos ng unang kasal, muling nakahanap si Oliver ng kapareha pero limang taon lang ang itinagal ng ikalawa niyang relasyon.

Kwento ng may-ari ng Mojo Studios na hindi maitatanggi na marami din siyang natutunan sa dati nitong mga relasyon, na tumulong para humubog sa kanyang pagkatao.

“I think ang pinaka-take ko dito sa past relationships ko, you need to be honest. Marriage is a partnership, parang si Batman at Robin, you have to accept each other and their past."

"I used to say it's about tolerance. Tolerate each other hanggang sa end nyo, hanggang 80’s 90’s wala ng physical thing pero talagang companionship so I think hanggang maaga pag-aralan ang isa't isa."

Nagpapasalamat si Oliver muli siyang nakatagpo ng makakasama sa buhay at umaasa ito na ito'y panghabambuhay na.

Valentine's Day
'Thank you for the second chance to love again.' Source: Supplied


Magpatawad at magpasalamat sa ikalawang pag-ibig

Mahabang panahon ang tiniis ng dating guro sa Pilipinas na si Katie Ladia sa kanyang dating asawa. Sa tinagal-tagal ng kanilang pagiging mag-asawa si Katie lamang ang nagta-trabaho para sa kanilang pamilya at kuntento na lamang ang dati niting asawa na hindi magtrabaho.

Matapos ang mahigit 15 taon ng pagsasama, nakipaghiwalay si Katie sa asawa at inilaan ang oras paghahanap-buhay para sa kanyang anak. 

Makalipas ang ilang taon, hindi inaasahan ng guro na muli itong makakatagpo ng lalaki na magpapatibok ng kanyang puso. Nakilala niya ang Australyano na si Paul sa online. Isang taon ang inabot ng kanilang pagkakaibigan hanggang sa bumisita si Paul sa Pilipinas.

Mula doon umusbong ang kanilang pagkakaibigan at hindi nagtagal ay nagtungo ng Australia si Katie at doon nga'y nagsama sila ni Paul.

BASAHIN DIN/PAKINGGAN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand