Key Points
- Enero 2023, nag-trending si Miss USA 2022 at Miss Universe R'Bonney Gabriel, na may amang Pilipino. Sa kabila sa USA ito pinanganak at lumaki, maraming Pinoy ang humanga sa kanya dahil sa ipinagmamalaki niya ang kanyang pinagmulang Pilipino.
- Sa 57 taon nito mula nang mabuo, nitong 2023 lamang naglabas ang Sesame Street ng kauna-unahang Filipino-American muppet nito, si TJ The Muppet.
- Isang kasaysayan ang nagawa ng Philippine National Women's Football Team, 'Filipinas', nang unang pagkakataon na makapasok at maglaro ito sa FIFA Women's World Cup debut noong Hulyo. Tinalo nila ang isa sa mga host country, ang New Zealand, sa kanilang nag-iisang goal.
- Bumisita sa Pilipinas ang Hollywood star na si Vanessa Hudgens noong Abril, kasabay nito ay ginawaran siya bilang global tourism ambassador ng bansa.
- Matapos ang 11 taon ng pagiging on-and-off screen partners, kinumpirma ng Filipino love-team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pagtatapos ng kanilang relasyon.
LISTEN TO THE PODCAST

Top Trending topics for 2023: Miss Universe R'Bonney Gabriel, Team Filipinas, TJ The Muppet, Kathniel breakup
03:35