Pagboboluntaryo katumbas ng saya para sa sarili at higit na kabutihan ng lahat

National Volunteer Week Richard Libunao

Richard Libunao (middle) with fellow student volunteers Stasia Hendrawan and Clara Chong Source: Supplied by Richard Libunao

"To know that you are contributing and helping out in the community especially those people who are not as fortunate as you, it fulfills you and it should be something that everyone should get involved with," paglalarawan ng mag-aaral at boluntaryo na si Richard Libunao sa kanyang nararamdaman kapag siya ay nagboboluntaryo.


 

Ngayong linggong ito, 21–27 ng Mayo 2018, ipagdiriwang ng Australya ang National Volunteer Week upang kilalanin ang bukas-palad na kontribusyon ng mga boluntaryo sa buong bansa. Libo-libong kaganapan ang isasagawa sa buong bansa upang magpasalamat sa anim na milyong Australyano na ibinabahagi ang kanilang mga oras sa pagtulong.

Sinisigurado ni Richard Libunao, pangulo ng UTS-Catholic Asian Students Society, na maayos niyang nailalagay sa kanyang kalendaryo ang lahat ng kanyang gawaing personal at para sa pag-aaral upang magkaroon siya ng oras na magboluntaryo isang beses sa isang linggo kung makakaya ng kanyang abalang oras.

Ang tema ng National Volunteer Week ngayong taon ay "Give a little. Change a lot.", at sinabi ni Richard Libunao na ang maging bahagi ng isang bagay na sa tingin niya ay nakakapag-ambag sa isang bagay na higit sa kanyang sarili, ito ay isang bagay na maaaring maipagmalaki at bumubuo s'yo bilang isang tao.
National Volunteer Week Richard Libunao
Richard Libunao (front, far right) together with other student volunteers from other universities in Sydney (Supplied by Richard Libunao) Source: Supplied by Richard Libunao

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand