‘We will see each other one day’: Rapper patuloy na umaasang mahanap at makilala ang tunay na magulang

Rudy V

Rudy moved to Australia at the age of 2 after being adopted by an Australian couple.

Matagal nang umaasa si Rudy Villanueva na mahanap ang tunay na magulang matapos siyang inampon ng Australyanong mag-asawa nang siya ay 2 taong gulang.


KEY POINTS
  • Si Gabs, Homeboy G, o Rudy V (pangalan sa entablado) ay isang performing artist at sound producer na naka-base sa Melbourne. Ginagamit niya ang musika bilang isang paraan ng therapy at pagkakaugnay sa sarili at sa komunidad.
  • Si Rudy ay lumipat sa Australia noong siya ay 2 taong gulang matapos siyang ampunin ng mag-asawang Australyano. Dahil sa matinding pagnanais na makilala ang kanyang mga totoong magulang, lalo na ang kanyang ina, patuloy siyang nagsusumikap na muling makipag-ugnayan sa kanyang tunay na pamilya.
  • Ayon sa United Nations Children’s Rights & Emergency Relief Organisation, tinatayang 1.8 million kabataan sa Pilipinas o 1 posyento ng populasyon ang kinonsiderang “abandoned o neglected."
PAKINGGAN ANG PODCAST
TK RUDY V image

‘We will see each other one day’: Rapper patuloy na umaasang mahanap at makilala ang tunay na magulang

SBS Filipino

15/08/202429:45
Sa edad na 2 taong gulang ay nanirahan na si Rudy sa Melbourne kasama ang bagong pamilya na kanyang itinuring na magulang.

Patuloy na hinahanap ni Rudy ang kanyang tunay na magulang upang maunawaan ang kanyang pinagmulan at muling maugnay sa pamilyang maagang nawala sa kanyang buhay.

Batay sa mga impormasyon na kanyang nakalap ay inampon siya mula sa Banga, South Cotabato at ayon sa birth certificate ang pangalan ng kanyang mga magulang ay Francisco Villanueva and Estelita Diaz.

Batay din sa pakikipag-usap sa komunidad doon, nalaman niya na siya ay iniwan sa isang tricycle bago inilipat sa bahay-ampunan.

Ayon kay Rudy, naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanyang tunay na ina noon maaring wala siyang mental at pinansyal na kapasidad na pangalagaan siya kung kaya't nag desisyon siyang ipa-ampon sa Australyanong mag-asawa.

Ayon sa United Nations Children’s Rights & Emergency Relief Organisation, tinatayang 1.8 million kabataan sa Pilipinas o 1 posyento ng populasyon ang kinonsiderang “abandoned o neglected."

Patuloy na umaasa si Rudy na makilala ang mga magulang lalo na ang kanyang ina. At kasabay nito ay patuloy din siyang mamumuhay na puno ng pag-asa.

Tampok ng Tugtugan at Kwentuhan ang kwento ng mga Pilipno na gumagawa ng sariling marka sa industriya ng musika at sining.


 

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand