Highlights
- Ang pagdiriwang ng Lunar New Year sa Australia ay pagkakataon para makilala ang kultura ng Chinese kasama ng kultura ng mga bansang nasa timog-silangan at silangang bahagi ng Asya.
- Ang Lunar New Year ay panahon ng pagbibigay halaga at pagkilala sa mga namayapang ninuno.
- Ang Year of the Tiger ay sumasagisag sa hindi pangkaraniwang tatag at lakas para i-kontrol ang mga pangyayari sa paligid, at ito din ang kailangan ngayon ng buong mundo dahil sa Covid-19.
Ang taong 2022 ay Year of the Tiger base yan sa lunar calendar at sa darating na Pebrero 1 ang selebrasyon ng Lunar New Year!
Paliwanag ni Dr Pan Wang ang Senior Lecturer ng Chinese and Asian Studies sa University of New South Wales, ang Spring Festival na ito ay magtatagal ng labing limang araw, hanggang sa Lantern Festival.
Pakinggan ang podcast:
LISTEN TO

What is Lunar New Year and how it is celebrated in Australia?
SBS Filipino
26/01/202210:16
" Maari din itong tawagin na Chinese New Year o Spring Festival. Ipinagdiriwang ito ng China at ng mga mga bansang nasa silangang bahagi ng Asya gaya ng Korea, Vietnam, Japan, Chinese diasporas pati Australia."
Sabi din ni Dr Kai Zhang mula sa Modern Chinese Language Program ng School of Culture, History and Language sa Australian National University.
Ang pagdiriwang ng Lunar New Year dito sa Australia ay magandang pagkakataon para makilala ng lubos ng buong mundo ang kultura ng mga Chinese, pati mga bansang nasa timog-silangan at silangang bahangi ng Asya.
"Mahalaga ito sa lahat ng mga Chinese pati sa mga residente mula sa silangang bahagi at katimugang bahagi ng Asya pati sa lahat ng mga Chinese Australians. kaya ang pagdiwang ng Lunar New Year ay makakatulong matuto sa kultura."
Dagdag ni Dr Zhang, ang Lantern Festival ay mangyayari sa ika labing-limang araw ng Lunar New Year.
" Ang Lantern Festival ay tradisyon na at ang buong pamilya ay gumagawa ng lantern kasama ang mga bata at ilawan ito sa labas ng pintuan, at mula pa ito sa Thang dynasty na maraming selebrasyon sa buong araw."
Dagdag ni Dr. Wang ang pagdiriwang ng Lunar New Year sa Australia ay dinadaan sa maraming paraan.
" Ang pagdiriwang ay dinadaan sa pagkain, gaya ng pagkain ng fish dumplings kasama ang pamilya at mga kaibigan. May mga lion dancing, dragon dancing at pula ang maswerteng kulay at namimigay ng pulang sobre sa mga bata."
Kwento naman ni Dr Iris Tang na tubong mainland China pero lumipat na dito sa Australia 20 taon na ang nakakaraan.
Ang kaibahan l daw sa pagdiriwang ng Lunar New Year dito sa bansa, sa mainland China, ay mahaba ang mga araw na public holiday o walang pasok at milyon- milyong taga-roon ang umuuwi galing ibang lugar para sa reunions o pagsasalu-salo ng mga magpapamilya at kaibigan, lalo na noong wala pang pandemya.
At sa China, ang pagkain ang itinuring na pinaka-importanteng bahangi ng pagdiriwang.
"Nagdidiwang ako kasama ng pamilya ko at kaibigan dito sa Canberra, at gumagawa kami ng maramin dumplings para New Year's Eve. Gawa din kami ng maraming pagkain para sa Lantern Festival ."
Saad din ni Dr. Wang ngayong panahon, ang China ay gumagamit na ng Gregorian calendar pero sinusunod pa din nito ang traditional Chinese calendar na syang nagdedekta sa mga holidays o espesyal na mga pagdiriwang, gaya ng Chinese New year at Lantern festival sa buong China pati sa mga komunidad nito sa ibayong dagat.
Ang traditional Chinese calendar ay sinusunod din para sa pagdiriwang ng lunar Chinese New year, kasama ang lantern festival at Qingming festival na kilalang tomb-sweeping day.
Ito din ang sinusunod ng mga Chinese, para sa buong taon para sa pagpili ng maswerte o magandang araw para sa kasal, pagsisimula ng negosyo, paglilipat pati sa paglilibing ng mahal sa buhay.
"Ang traditional Chinese traditional calendar ay lunar-solar, ibig sabihin nakabase ito sa galaw ng buwan at ng araw, kasama na dito pag-orbit ng buwan sa mundo at ang mundo sa araw, kaya ang isang buwan ay nasa 29 o 30 na araw."
Dagdag nito , sa bawat taon ang Lunar New Year ay ginaganap tuwing buwan ng Enero o Pebrero.
"Ngayong taon, nadiriwang tayo sa Pebrero, at ang unang lunar month ay ang pagsisimula ng Spring at Spring Festival. Ang kaibahan ng Gregorian calendar o christian calendar nakabase sa position ng araw kasama ng mga bituin."
Ayon naman kay Dr Craig Smith na isang Senior Lecturer ng Translation Studies (Chinese) sa Asia Institute ng University of Melbourne.
May maganda syang karanasan sa mga pagdiriwang ng Lunar New Year sa mga bansang Taiwan at South Korea.
Ang pagdiriwang na ito ay nagiging paraan para bigyang halaga at pagkilala ng mga tao silang mga namayapang ninuno.
"Sa araw ng bagong taon, pagkagising ng lahat nag-aalay sila ng pagkain at inumin sa mga namayapang ninuno. At ngayon marami ng mga relihiyon ang ganun din ang ginagawa. Ang mga Buddhist ay bibigkasin ang sutras sa Lunar New Year."
Dagdag nito maraming mga elemento sa pagdiriwang ng Lunar New Year na may impluwensya ng ibang bansa at hindi lang China, gaya ng lion dance.
" Sa pag-aaral ng dalubhasa, ang lion dance ay ilng libong taon ng ginagawa at mula arts , relihiyon , musika ay galing China, mula sa ibang bansa sa Asya. At konektado ito sa Persian na tradisyon base sa linguistic at historical na pag-aaral."
Sabi pa ni Wang, ang Chinese zodiac year ay nagsisimula ng Lunar New Year at bawat taon ay paulit-ulit lang itong zodiac cycle sa loob ng labing dalawang taon, at kinakatawan ito ng mga zodiac animals .
Kaya lumabas ang alamat ng labing dalawang zodiac signs na Ox, Tiger, Rabbit, Dragon, Snake, Horse, Goat, Monkey, Rooster, Dog, at Pig.
"Nagsimula ito sa Jade Emperor na gustong makipagpulong. At mayroong 12 hayop at nag-unahan silang makarating dun at unang umabot ay ang Rat o daga, pangalawa ang Ox o baka at sumunod ang iba, yan ang alamat."
Palala ni Dr Wang ang year of the Tiger ay sumasagisag sa hindi pangkaraniwang tatag at lakas para i-kontrol ang mga pangyayari sa paligid, at ito din ang kailangan ngayon ng buong mundo dahil sa Covid-19.
"Ang Tigre o Tiger ay kumakatawan ng pamumuno, awtoridad, may kapangyarihan at lakas, kaya kailangan natin to para labanan ang pandemya. Kailangan harapin natin ito at palakasin ang katawan, kalusugan at buong pagkatao."
Para sa karagdagang impormasyon at mga ulat bisitahin ang www.sbs.com.au/Filipino.