Ang Pilipinas ay may malaking bilang ng mga manggagawa sa buong mundo. Ang kakulangan ng trabaho at maliit na sweldo sa Pilipinas ang nagtutulak sa mga Pilipino para lumabas ng bansa at magtrabaho, kadalasan sa mga industriya ng serbisyo o mga trabaho na may limitadong karapatan ng manggagawa.
Dahil sa mga komplikado, makasaysayan at socio-political na mga kadahilanan, na nakakaapekto sa pang-ekonomiyang pangkabuhayan ng maraming Pilipino, marami ang piniling maging 'Overseas Filipino Worker' o OFW.
Ang mga Pilipino sa ibang bansa ay madalas na nahaharap sa isolation at diskriminasyon sa kanilang bagong pamumuhay. Sa kabila nang lahat nang ito, ginagawa nilang magsakripisyo para lamang masuportahan ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Ang Balikbayan box ay nakakatulong na mapunan ang puwang sa pagitan ng mga pamilya. Itong mga tinatawag na care parcels ay kalimitang naglalaman ng mga pang-araw-araw na bagay tulad ng mga damit, laruan, kobre-kama, at mga pagkaing hindi madaling masira tulad ng mga kendi.
Maliliit mang bagay ang mga laman nito, ngunit ang saya na dulot ng pagpapadala ng kahon na ito ang pinakamahalaga sa mga Pilipino.
Maaaring abutin ng ilang buwan bago mapuno ang kahon, gayunpaman ito ay nagbibigay-daan para mas mapalapit ang Pilipino sa kanilang mga mahal sa buhay at maramdaman nila na sila ay para na ring nagbalik-bayan, at para sa karamihan, ito ay sakripisyong mahirap matumbasan.