Ibibigay ang $750 payments sa mga casual workers na walang sick leave na nagpositibo sa virus at kinakailangan mag isolate ng isang Linggo.
Katapusan pa ng Hunyo itinigil ang pagbibigay ng bayad. Giit ng Labor, wala nang mapagkukunan ng budget para sa mga emergency payment kung ipagpapatuloy ito.
Pero ayon sa Punong Ministro, pinakinggan nila ang payo ng Chief Health Officer at Health Department kaya binawi nila ang desisyon.
LISTEN TO

COVID pandemic leave payments for casual workers reinstated
SBS Filipino
19/07/202207:07
Highlights
- Ibabalik ang pandemic payment mula Miyerkules, ika -20 ng Hulyo, hanggang ika 30 ng Setyembre
- Iba back-date sa July 1 ang bayad para sa mga nagkasakit nitong nakaraang dalawang Linggo.
- Maghahati ang Commonwealth at mga estado at teritoryo sa halaga ng bayarin na tinatayang aabot sa 780 million dollars.
Ibabalik din ng pamahalaan ang crisis payments o ayuda para sa mga mamamayang dumanas ng severe financial hardship o matinding problemang pinansyal.
Sa usapin naman ng libreng Rapid Antigen Test, hindi na nagpatinag ang punong ministro sa pasyang itigil ito sa kabila naman ng mga panawagan ng ilang grupo.
Ayon kay Ginoong Albanese maari namang makakuha o makabili ng RATs kahit saan sa bansa sa murang halaga.