''My greatest gifts my life, my husband and knowing the Lord': Kwento ng mabuhay sa pangalawang pagkakataon

Evangeline and Darren today.jpg

Through faith, love, and respect, Filipino-Australian Evangeline and her Australian husband Darren Miller triumphed over the challenges in their lives. Source: Evangeline Miller

Matapos alipustahin ng unang asawa, at dumaan sa ilang maseselang operasyon dahil sa sakit, paano nga ba namumuhay ngayon ang Pinay sa pangalawang pagkakataon kasama ang kanyang bagong asawa sa Australia?


Key Points
  • Ang Pinay na si Evangeline ay nakahanap ng pag-asa matapos makilala ang Navy officer na si Darren sa Australia.
  • Dahil sa utang na loob, sampung taong tiniis ni Evangeline ang masalimuot na buhay kasama ang unang asawa.
  • Ang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad ng kababaihan at pagkwento sa kaibigan ay nakakatulong para lumakas ang loob at ipaglaban ang karapatan bilang isang babae.
Wedding photo of Evangeline and Darren Miller.jpg
Wedding photo of Evangeline and Darren Miller in the year 2008. Source: Evangeline Miller
"Mula noong magkakilala kami palagi na niya akong sinuportahan, tumatawag siya 4 to 5 times a day kahit nasa overseas."

"[Minahal ko siya agad-agad] at mula nang magkakilala kami hindi na kami naghiwalay," masayang pagbahagi ng Filipino-Australian na si Evangeline Miller matapos makilala ang asawang si Darren.

Itinuring nitong hulog ng langit ang asawa matapos naging mapait ang kanyang karanasan sa unang pag-ibig na unang asawang Australyano.

Bagama't hiniwalayan niya ito, tiniis at pinagsilbihan ito dahil sa pagtanaw ng utang na loob.

Si Evangeline din ay ang pangalawang asawa ni Darren. Halos 20 taon na silang magkasama.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand